Tue, 18 May 2021

Tagalog News: DA, naglaan ng P15-M para sa mga proyekto ng BPSU

Philippine Information Agency
05 May 2021, 00:38 GMT+10

LUNGSOD NG BALANGA, Mayo 4 (PIA) -- Naglaan ng 15 milyong piso ang Department of Agriculture o DA para sa mga proyektong pang agrikultura sa Abucay Campus ng Bataan Peninsula State University o BPSU.

Pinangunahan ni DA Undersecretary for Livestock William Medrano ang paggawad ng tseke na tig-limang milyong piso para sa Free Range Chickens Multiplier Farm, Increasing Availability of Swine Stock through Distribution and Upgrading of Swine Multiplier Farm at Multiplier Piggery and Techno-Demo Farm.

Ayon sa opisyal, ang mga ito ay nakapaloob sa proyektong Nucleus and Multiplier Breeder Farms for Poultry, Swine and Small Ruminants na pinondohan sa ilalim ng Republic Act 11494 o mas kilala bilang Bayanihan to Recover as One Act.

Kasabay ng pag-gawad na ito ang inagurasyon ng Organic Agriculture Research and Development Innovation Center o OARDIC sa Abucay Campus at Center for Research on Aquaculture and Aquatic Resources in Brackish Systems o CRAABS sa Orani Campus ng BPSU.

Ayon kay Medrano, nais ng kagawaran na i-debelop ang kabataan bilang agripreneur kaya naman marami itong programa na nakatuon hindi lamang sa iskolarship bagkus maging sa entrepreneurship development.

Kinilala din niya ang BPSU sa kagalingan nito sa agriculture research and development kaya naman sinuportahan ng DA ang pagpapatayo ng OARDIC at CRAABS.

Ang mga proyektong ito aniya ay makakatulong sa mga magsasaka at mangingisda upang magkaroon ng masaganang ani at mataas na kita. (CLJD/CASB-PIA 3)

More Egypt News

Access More

Sign up for Cairo News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!